Ang buhay ay sadyang napakasaya
Perlas na hiyas na handog ng may Dakila
Tanawing payapa nakahahalinang pagmasdan
O kay sarap mabuhay kung ating hahagkan.
Simo’y ng hangin malamig sa pisngi
Buwang kayrikit binabantayan buong gabi
Pagsikat ng araw sa umagang kayganda
Dala sa buhay ay galak at panibagong pag asa
Buhos ng ulan sadyang tumitila
Tulad sa buhay sugat ay humuhupa
Bawat sulirani’y may kapalit na lunas
Patuloy lang lumaban at harapin ang bukas
Larawang iginuhit ng Tadhana
Punong puno ng kahulugan
Makulay na tema tunay na makabuluhan
Sadyang kaysarap mabuhay kung ating hahagkan

aldrin.francisco.75@facebook.com
It is really a great and helpful piece of info. I’m happy that you just shared this helpful information with us. Please keep us informed like this. Thanks for sharing.