Nakahimlay sa iyong tabi
Dinadama ang bawat sandali na ikay kasama
Tamis ng bawat ngiti sa iyong labi
Aking ninanais,kasiyahan mo’y damang dama
Bawat segundo,bawat minuto ikaw lang ang pinapangarap
Bawat sandali sa aking buhay ikaw lang ang tanging hangad
And mahalin ka ay syang tunay na pangarap
Sa piling mo ako’y walang ibang hangad
Mas nanaisin pa na ako’y manatili sa iyong tabi
Kaysa masiphayo kung ika’y hindi mananatili
Pagmamahal ay ipadarama at hinding hindi ikukubli
Mahal kita,ngayon,bukas,hanggang sa huli