Hindi tiyak kung makakaya ko
Ang bawat araw na ako’y gigising
Na hindi ikaw ang kayakap ko
Sa araw ng ika’y nawala
Hindi na natila ang aking mata
Sa patuloy nitong pagluha
Masakit isipin na ika’y wala na
Hindi na makakausap
Hindi na masisilayan pa
Nawa’y manatili sa iyong ala ala
Bawat sandali sa ating buhay
Na tayong dalawa’y magkasama
Masasayang araw natin noon
Kulitang walang humpay
Umaga hanggat dapit hapon
Kaysarap isipin mga ala ala mo
Iyong tinig aking naririnig
Pawang ika’y kasama ko
Masakit, kayhirap ng nadarama
Nawa’y aking makaya
Ang sakit ngayong ika’y wala na