“Pilipino Mabuhay Ka!” ni Eureka C. Bianzon

Pilipino saan mang kaligiran
May angking galing sa bawat larangan
Hindi pahuhuli sa lahat ng aspeto
Mapa Sining,Musika, o Palaro man ito

Pilipino sa angking kabutihan hindi pahuhuli
Paggalang sa kapwa’y hindi ikinukubli
Disiplina ay sadyang ipinamamalas
Sa bawat laban handang lumaban ng patas

Pilipino saan mang sulok ng mundo
Ay angkin ang kakaibang talino
Dahilan ng pagsulong ng kabihasnan
Dulot ay kaunlaran ng bawat kabuhayan

Pilipino mabuhay ka
Ipagmalaki ang lahing meron ka
Sa karununga’t disiplina ay hindi salat
Pilipino mabuhay ka,bayani ng lahat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s