“Mula ng Tayo’y Nagkahiwalay” Eureka C. Bianzon

Mula ng tayo’y nagkahiwalay

Hindi na natila ang aking puso sa pagkalumbay

Pilit mang labanan ng isip ang sinasambit ng puso

Ngunit bakit ito’y patuloy parin sa pagdurugo

Sa bawat gabi pinipilit na ika’y hindi isipin

Ngunit bakit ang iyong pangalan

 ang sinisigaw nitong damdamin

Luha sa’king mga mata’y hindi kayang pigilin

Naninikip ang dibdib sa tuwing ika’y iisipin

Mahal pa rin kita hindi ko maikakaila

Madami mang humadlang

Ito’y sadyang hindi kayang ikumpara

Mahika ng pag ibig

Pagmamahalang dalisay

Lungkot ang iniwan

Mula ng tayo’y nagkahiwalay

“Byaheng Papalayo” Eureka C. Bianzon

Byaheng papalayo

Tinatanaw ang mga lugar

na sa iyo’y nakpagpapa ala ala

Hindi malaman kung saan hihinto

Minamasdan na lamang

ang iyong larawan

sa aking pitaka

Biglang ngiti sa tuwing ika’y naaalala

Tinuturo sa’kin ang mga lugar

Na nais mo’y akin ring Makita

Subalit luha nalang ay sadyang papatak

Matantong ika’y hindi ko na makakasama

Byaheng papalayo

Hindi alam kung saan patungo

Byaheng papalayo

Upang makalimot sa sakit

Na dulot nito

“Mahagkan kang muli” Eureka C. Bianzon

Nakahimlay, nakapikit ang mga mata

Hindi makatulog,mukha mo ang syang nakikita

Mga ala alang iyong iniwan sa’kin

Iyong mga ngiting nakapagpapaluwag

 nitong damdamin

Ako’y nananabik na mahagkan kang muli

Masilayan man lang ang bawat ngiti sa iyong labi

Sadyang kaylungkot na ito’y pangarap nalang

Sapagkat sa pagmamahalan natin

ay madaming hadlang

Inilayo ka man sa’kin

Pangako balang araw ika’y hahanapin

Aking tutuparin bawat pangarap

Nang sa tamang panahon ika’y madali kong

mahagilap

Nawa’y manatili ang iyong pagmamahal

‘Yan sa Maykapal ang tangi kong dasal

Nawa’y damdami’y hindi magbago

Hanggang dumating ang tamang oras

Na tayo’y muling magkatagpo

“My Pen’s Mystic Attitude”by Eureka C.Bianzon

Solace words may reach your mind
From the inspirations that you’ll find
My Pen and Soul hope will catch your time
And your attention will temporarily be mine

My gladness for each feeble heart may filled
With hope from my pen’s ray
Sadness of lonely hearts may healed
From each inspiring words this day

May each word build your heart with a stone
Of having strength from being alone
Hope I’ll touch your lives with my azure moods
And live your life with ” life” from my pen’s mystic attitude

540204_410427032323543_52012998_n