“Aking mga katha” Eureka C. Bianzon

Madalas madaming nagtataka

Ano ba talaga ang aking tunay na nadarama

Sa mga tulang aking isinusulat

Minsan malungkot minsan masaya

Madami ang nagtatanong

Saan ako kumukuha ng inspirasyon

Sapagkat pagkatha ng bawat tula’y

Hindi basta basta

Ito’y inuukulan ng damdamin

 at tamang panahon

Sagot ko sa mga katanungan

Ako’y sumusulat hindi mula sa karunungan

Bawat titik bawat kataga pawang may pakiramdam

Mula sa’king puso na dulo’t ng sinuman

Mga tulang aking ikinatha

May kanya kanyang istorya

Ilan ay aking mga karanasan

Ang iba nama’y mula sa iba

Isang adhikain ang aking ninanais

Ang maibahagi ang aking mga katha

Pagsulat saki’y hindi maiaalis

Ito’y mga aral na aking sasabihin hanggat

Ako’y may hininga