Liko likong daan saking buhay
Iyong itinuwid sa inilaan mong gabay
Ikaw ang nagsilbing liwanag sa dilim
Ngiti sa’king mga matang naninimdim
Tayo’y pinagtagpo sa limitado kong mundo
Na aking itinitanim sa king isip at puso
Ikaw ang masayang dulot ng bawat kahapon
Sa’king pagkalumbay ikaw ang syang naging tugon
Hindi mawawala sa’king puso’t isipan
Ala alang dulot mong kaysarap pagnilayan
Iyong pagmamahal sa’kiy mananahan
Aking giliw ika’y sigla’t saya na aking nasilayan