“Salamat! ” Eureka C. Bianzon

 

Salamat sa mga oras na iyong ibinahagi sa’king pag iisa

Lungkot ko’y napapawi,bawat luha’y tumitila

Marahil ikaw na nga ang syang ipinagkaloob ng Tadhana

Mapunan ang aking buhay ng galak at saya

 

Salamat sa mga mumunting araw  na tinig ko’y pinakikinggan

Kalungkutan ko’y nalilimutan sakit ng kalooban ko’y naiibsan

Kung tunay mang ako’y papalarin,ika’y hindi iiwan

Ipaglalaban kita,ngayon,bukas,magpakailan man

 

Salamat sa bawat inspirasyong iyong ibinibigay

Sa puso kong matagal ng nanirahan sa pagkalumbay

Nawa’y manatili ang bawat mong pagsubaybay

Sa’king landas Ikaw ang siyang tanging gabay

 

Salamat!