“Hinahanap bawat sandali ” Eureka C. Bianzon

Bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot

Matantong ika’y hindi ko na makakausap pa

Sa bawat minuto ako’y nakatitig sa bawat sulok

Ng silid na ito,naaalala mga sandali na ika’y kasama

Kaybilis ng bawat bagay sa isang iglap ika’y nawala nalang

Kahapon ika’y aking kausap ngayon ako’y nag iisa na lamang

Ramdam ko bawat guhit ng sakit sa aking puso

Kayhirap mapanggap upang sakit na nadarama’y  maitago

Hinahanap bawat sandali na ika’y kausap

Mga oras  na ikaw ang aking kaharap

Ngunit imposible na ito’y mangyari nalang

Sapagkat ika’y nawala ng hindi ko alam ang dahilan