Maraming salamat sa iyong pag aaruga sa’kin
Kahit ako’y salat sa pagmamahal ng tunay na ina
Kanyang responsibilidad iyong inangkin
Pagmamahal ay iyong pinunan ng pag aruga
Salamat aking Ina sa walang sawa mong pagsubaybay
Ako ma’y hindi iyong anak na tunay
Iyong pinunan mga kakulangan sa’king buhay
Ako’y pinalaki mong mabuti sa iyong gabay
Ito’y tula na aking ginawa para sa’yo
Ngunit ito’y hindi kayang tumbasan ang pagmamahal mo
Salamat sa pagiging ina
Salamat sa mga oras na hindi mo inalintala
“A requested poem”
“Salamat sa pagiging ina” ni Eureka C. Bianzon | My Pen and Soul