Ika’y aalis na,ako’y walang magawa
Higpit ng iyong yakap aking damang dama
O kay hirap itago sakit na nadarama
Kay hirap pigilan luha sa’king mga mata
O mundo ngayo’y bigo
Sa paglisan mo puso’y nagdurugo
Mahal kita nawa ika’y muling makita
Sa paglipas ng panahon nawa’y mahagkan pa
Walang magbabago sa mga pangako ko
Aking tutuparin malayo man sa’yo
Sa paglipas ng panahon sa’ting pagkikita
Nawa’y muling mayakap at mahagkan ka