Isang bagay na nakakatuwa sa ating pagsasama
May araw man na may tampuhan
Mas maraming araw naman na masaya
Away bati,parang mga bata lang diba
Kapag hindi na magkausap
Hindi na mapakali ang bawat isa
Away bati man masaya padin naman
Kahit minsan nahahaluan ng pagdaramdam
Lumilipas din ang ilang araw magbabati din naman
Dun na sasabihin ang hindi napagkasunduan
Away bati, dulot ng pagmamahal
Magkakasundo din kapag nagtagal
Away bati man mistulang magtatagal
Relasyong pinagtibay ng pagmamahal
Dulot ng away bati
4 thoughts on “” Away- bati” ni Eureka C. Bianzon”