” Kapag ako’y nawala” ni Eureka C.Bianzon

Kapag ako’y nawala hahanapin mo pa kaya ako

Kapag ako’y nawala babasahin mo padin ba mga tula

na isinulat ko

Kapag ako’y nawala mahalaga padin ba ako sayo

Kapag ako’y nawala mananatili parin ba ako sa puso mo

Kapag ako’y nawala babanggitin mo padin ba pangalan ko

Kapag ako’y nawala mapapangiti ko pa kaya ang labi mo

Kapag ako’y nawala mararamdaman mo pa kaya ako

Kapag akoy nawala mananatili padin ba ako sa isip mo

Kapag ako’y nawala maririnig mo padin ba ang boses ko

Kapag ako’y nawawala maaalala mo pa ba mga kinanta ko

Kapag ako’y nawala maaalala mo pa ba mga nagawa ko

Kapag ako’y nawala may pagkakataon kayang maipinta mo

ang mukha ko

Kapag ako’y nawala sasagi padin ba ako sa isipan mo

Kapag ako’y nawala  masasambit mo ba na mahalaga ako sayo

Kapag ako nawala mamahalin mo padin ba ako

Kapag ako nawala ako padin ba yung taong nakilala mo

“Sa buhay natin” ni Eureka C. Bianzon

Sa buhay natin akala natin lahat ng kasiyahan ay tama
Minsan tayo’y nabubulag lang ng kasiyahan kapag sobra
At pagdating ng oras matatanto na ito’y mali pala
Nasayang ang panahon oras na dapat inilaan sa mahalaga

Sa buhay natin akala ng iba masaya ka
Pero puso mo’y umiiyak dinadaan nalang sa tawa
Sa mga bagay na akala mo’y tama doon kadin pala luluha
Sa paglipas ng panahon magiging aral nalang kapag
muling nasagupa

Sa buhay natin madaming aral na matututunan
Ilan dyan ay huwag manatili sa pansamantalang kasiyahan
Hindi lahat ng mga bagay ay iyong ikasasaya
Matutunang mahalin muna ang sarili,bago ang iba

Sa buhay natin lahat ng bagay dapat pag isipan muna
Huwag ipasubo ang sarili kung hindi din naman kaya
Ang kasiyahan ay sadyang madarama kung ika’y malaya
Walang iisipin,walang dadamdamin ang puso dulot ng iba

“Can we begin to see the world with compassion?” by Eureka C. Bianzon

To look into the eyes of someone else

What would you see?

Would you mind to see their struggles?

Or rather see their faults and judge them?

Upon closing your eyes

What would you see?

Would you mind to feel?

What your heart feels?

And feel how it feels to be judged,

Criticize negatively by the others

Can we be honest enough with ourselves?

And open up our hearts of what eyes do we have

Can we think of being the eyes of others?

To save their world from pain and struggles

They do all have

Can we begin to see the world with compassion?

And accept others with their own reflections

Can we have sheer kindness?

 That makes a great difference

In the lives of others

And clear mirrors to heal and

Care for one another?

IMG_ RSZ  wm XX EDT GLO 6780