Sa buhay natin akala natin lahat ng kasiyahan ay tama
Minsan tayo’y nabubulag lang ng kasiyahan kapag sobra
At pagdating ng oras matatanto na ito’y mali pala
Nasayang ang panahon oras na dapat inilaan sa mahalaga
Sa buhay natin akala ng iba masaya ka
Pero puso mo’y umiiyak dinadaan nalang sa tawa
Sa mga bagay na akala mo’y tama doon kadin pala luluha
Sa paglipas ng panahon magiging aral nalang kapag
muling nasagupa
Sa buhay natin madaming aral na matututunan
Ilan dyan ay huwag manatili sa pansamantalang kasiyahan
Hindi lahat ng mga bagay ay iyong ikasasaya
Matutunang mahalin muna ang sarili,bago ang iba
Sa buhay natin lahat ng bagay dapat pag isipan muna
Huwag ipasubo ang sarili kung hindi din naman kaya
Ang kasiyahan ay sadyang madarama kung ika’y malaya
Walang iisipin,walang dadamdamin ang puso dulot ng iba