Salamat ika’y nariyan sa tuwing ako’y lumuluha
At nagdaramdam
Sa mga araw na kailangan ko ng makakausap
At mahihingahan
Sa mga oras na kailangan ko ng kayakap
Sa tuwing ako’y pinagtatawanan
Bati’d kong sayo minsan ako’y maypagkukulang
Ikaw lang ang syang maituturing kong
Tunay na kaibigan
Patawad sa mga oras na sa tuwing
Ako’y aalis at ika’y hindi pinapansin
Sa mga oras nang aking pagdating
Ika’y hindi ko makuhang yakapin
Batid kong sayo minsan ako’y may pagkukulang
Salamat ikaw parin ay nariyan
Ngayong ang puso ko’y nagdaramdam
Ikaw lang ang syang maituturing kong
Tunay na kaibigan