“Buhay abroad madaming tinitiis” by Eureka C. Bianzon

 

Kaysarap pakinggan salitang buhay abroad

Tanging puhunan ay walang humpay na luha at pagod

Akala ng iba napakaganda ng ating buhay

Ngunit pagtitiis na mawalay sa pamilya

ay walang humpay

 

Pamilya ang siyang dahilan

Inspirasyon upang manatili dito ng lubusan

Kumita para makamit ang tanging sa kanila’y

Pinapangarap

Kahit hamakin ng iba’y tinitiis ang damdaming

Naghihirap

 

Masakit na isipin makatanggap ng bawat

Salita

Na ’tila ikaw padin ay walang nagagawa

Sa bawat buwan na iyong pinapadala

May nakaka alala ba na ikaw ay mapasaya

Man lang nila?

 

Masakit isipin ngunit iyan ang tanging daing

Ng bawat isa dito sa abroad na walang tanging hiling

Yun ay ang maalala at mapasaya

Ng hindi lang maaalala kung kailan magpapadala

 

Buhay abroad madaming tinitiis

Puyat,pagod na katawan ,pusong  humahapis

Sa kalungkutan ng pag iisa

Kinalilimutang labis

Sapagkat ang mapasaya ang minamahal

Syang tanging ninanais

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s