Kung ako’y papalarin nais ko’y makasama kita
Sa una akala ko lahat ay imposible
Ngunit hindi pala
Magkaiba man ang ating mundo
Batid ko padin na nariyan ka
Magkalayo man tayo pagtingin
Natin sa isa’t isa ay hindi nawawala
Akala ko noon walang panaginip na natutupad
Hindi pala,sapagkat ika’y dumating
Isang realidad
Ngayon ika’y aking kapiling sa aking puso saan man ako mapadpad
Ika’y aking hiling sa Maykapal,aking kasiyahang ito’y natupad
Magkaiba man ang ating mundo
Ika’y mananatili dito sa aking puso
Kung batid mo lamang paano mo binigyang kasiyahan ang buhay ko
Walang salitang makatutumbas sa lahat ng ito……