Hindi ko malilimutan mga pangaral na nagmula sa iyo
Dahil sa Iyo Ina nakamtam ko ang tagumpay na ninais ko
Simula pa noon ramdam ko na ako’y iyong mahal
Sa iyong sinapupunan palang
ako’y iningatan mo ng pagkatagal tagal
Walang katumbas na halaga ang pagarugang iyong
ginawa
Kahit paulit ulit kong ika’y pasalamatan ito’y hindi sapat
sa iginawad mong pagkalinga
Dakila ka aking Ina, isa kang huwaran
Iyong labis na pagmamahal ay siyang aking nais
Tularan
Nakagawa man ako ng mali,ito’y balewala sa’yo
Landas ko padin ay iyong itinuwid sa pagkalinga mo
Paano ko ba masusuklian bawat segundo sa bawat minuto,
Sa bawat minuto sa oras,sa bawat oras sa araw araw
mga araw sa bawat buwan
at mga buwan sa mga taong itinaguyod mo ako
Aking Ina labis kitang pinasasalamatan
Sa bawat luha,pawis,pagod na iyong inilaan
Ika’y naging ilaw sa aking dinaraanan
Ika’y aking naging gamot sa mga araw
Na ako’y may dinaramdam
Aking Ina Salamat sa Iyo
Ika’y aking mamahalin ng buong buhay ko
Balang araw ay makakasama mo rin ako
Ito’y aking dasal sa ating Panginoon
tanging mithiin ng puso’t kaluluwa ko
sana tumagal pa ang buhay ng aking magulang
Sila ang kayamanan natin,ating kasiyahan,katahimikan ng bawat puso natin. Hindi mabibili ng pera o bawat bagay ang kasiyahan ng sinuman. ..ito ay magmumula sa ngiti ng ating mga magulang.maraming salamat sa iyong pagbasa Alma