“Aking Ama Dakila Ka” ni Eureka C.Bianzon

Aking ama salamat sa iyo
Sa bawat aral ng buhay na ibinahagi mo
Bagamat sa mata ng iba ikaw ay hindi perpekto
Para sa akin dakila ka,dahil ako’y nandirito ng dahil sa’yo

Naging mistulang tagabantay man kita noon
Sa mga manliligaw ay palaging tumututol
Aking tagahatid kung saan man ako paroroon
Tila buntot na saki’y habol ng habol

Ngunit sadyang napakapalad ko lang talaga
Na sa lahat ay ikaw ang aking naging ama
Sa pag aruga sa pagkalinga mo talagang sobra sobra
Hindi ka man nakapagtapos,ama dakila ka

Aral sa iyong buhay ay sadyang napakalupit
Gaya ng sabi mo mga ito’y ayaw mo sa ami’y masapit
Iyong prinsipyo ay dakila kahit ikaw man ay nagigipit
Iyong pangaral na sa patalim kami’y huwag kakapit

Aking ama isa kang dakila
Nasaan man ako aking lakas sa’yo ko nakukuha
Tama ka sa lahat ng pangaral na iyong ipinamulat
Sa mata ng Diyos, sa mundo’y walang salat