Kaysakit hindi ko mapigilan lumuha sa pagdaramdam
Puso ko’y yinurakan ng hindi ko man lang nalaman
Unti-unti mong pinadarama na ikaw pala ay magpapaalam
Ngunit kaysakit ng malaman ko ang tunay na dahilan
Ako’y naghintay sa’yo ng kahit gaano katagal
Tiwala ko’y buong buo at lalo kitang minahal nang nagtagal
Aking hinigpitan ang aking paghawak sa iyong mga kamay
Ngunit kaysakit ikaw pala ay bibitiw sa pagmamahalan nating
taglay
Aking ibinigay buong pagkatao ko,buhay at kaluluwa ko
ay inialay ko sa’yo
Napamahal ka sakin lalo nadin ang pamilya mo
Ika’y aking hinangaan sa buong pagkatao mo
Ngunit kaysakit pala na hindi ikaw yung taong nakilala ko
Aking naaalala bawat minuto,bawat araw noong tayo ay magkasama
Mga biruan natin, parang wala ng bukas noon kung tayo’y magsaya
Palaging sumasagi sa ‘king isipan kung ano ka sa akin nung una
Ngunit kaysakit pagmamahalan natin ay wala na palang pag asa
Puso ko’y nagdaramdam,ngunit ang lahat ay gusto ko manggaling
sa’yo
Nais kong madinig ang lahat ng dahilan sa kabila ng lahat ng ito
Ika’y nananatili padin dito sa ‘aking puso
Ngunit kaysakit biglang naglaho ang iyong bintawang pangako
Akala ko noon tayo’y magsasama habang buhay
Akala ko noon makakasama mo ako sa iyong bawat tagumpay
Ngunit sa bawat patak ng aking luha sa bawat pagninilay
Kaysakit ng aking nadarama na ako ay wala na pala sa iyong buhay
Minahal kita simula pa noon
Mga alala mo’y nananatili sa’kin alaala ng ating bawat kahapon
Ikaw ay mananatili padin sa aking puso
Aking tatanggapin na iba na ang iyong mahal at hindi na ako
Nawa’y pagdating ng araw ay sumagi ako sa iyong isipan
Sa tuwing ikaw ay mapapadpad sa ating mga pinupuntahan
Nais kong sabihin sa’yo na mahal na mahal kita
Nasaktan man ako,aking tatanggapin lahat ng sakit
bastat ikaw ay mananatiling masaya
Ganyan kita kamahal,ganyan ka kahalaga sa akin
Ganyan ko pinahahalagahan bawat segundo ng mga alaala mo sa’kin
Mahal kita ,mahal na mahal
Ngunit kaysakit pala ang aking mundo ay bigla nalang nabuwal’
Palagi mong iingatan bawat pangako mo
Sa taong sinasabi mong napamahal na sa’yo
Nawa’y wag mo iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko
Ingatan mo sya,sapagkat alam kong may sasalo din
sa puso’t pagmamahal ko