“Iyong pagmamahal dala sa’kin ay kagalakan ni Eureka C. Bianzon

Gaya ng buwan sa’king durungawan
Ikaw ay liwanag sa tuwing ako’y naninimdim
Iyong pagmamahal dala sa’kin ay  kagalakan
Mula umaga hanggang sumapit ang takip silim…

Diwa ko’y nagagalak sa tuwing ikaw ay sumasagi sa ‘king isipan
Aking tula nanaman ay aking iniuukit sa aking iniingatang paham
Ikaw ay isang awiting kay sarap pakinggan
At kapayapaan naman  ang dala sa aking munting isipan…..