“Ikaw lamang ang kasiyahan kong taglay” ni Eureka C. Bianzon

Sobrang saya ko nung nakilala kita
Pasaway kong mundo ay nagbago ng mahalin kita
Noon akala ko lahat ay makakaya ko ng mag-isa
Hindi pala,ng nagtagal hinahanap hanap na kita

Sa bawat gabi ikaw ang aking nais kausap kapag ako’y matutulog na
At nais  naman makita sa bawat umaga pagmulat ng aking mga mata
Labis na ikinasisiya ng aking mga mata
Masilayan ang iyong ngiti at maamo mong mukha

Ikaw ang nagpuno sa bawat talata ng aking buhay
Aking kalungkutan ay pinalitan mo ng mga ngiti
Ikaw lamang ang kasiyahan kong taglay
Sa bawat pagsikat ng araw hanggang buong gabi