Maraming mga bagay ang hindi natin maintindihan
Mga bagay na sa ating buhay ay gumugulo
Tila ba ang mga ito ay buhos ng ulan
Walang tigil sa pagbuhos sa ating ulo
May bagay ang kahihinatnan ay masaya
Meron din naman nauuwi sa pagdurusa
Maniwala lang ang pangarap madalas ay natutupad
Patuloy lang sa pag bangon kahit saan pa mapadpad
Isang panalangin ang inilaan
Panalangin din na inialay ng ating mga magulang
Kung sila ay naniniwala sa ating kakayahan
Nararapat na gayundin tayo sa ating
Puso’t isipan