Kagaya ng natutuyong mga bulaklak
Kinagisnang kaugalian ay unti unting
Nauupos at nalalagas
Hindi na inalintala na ito’y ipagyaman
At ipasa sa susunod pang henerasyon
Ng mga kabataan
Limot na ang daigdig ng musmos na isipan
Nawalan na ng interes sa simpleng nakagisnan
Noon ang bawat kabataan
Nakukuntento lamang
sa manikang papel at ordinaryong laruan
Ngayon iba na ang bawat hiling
Ng mga kabataan hangad ay cellphone
Na may touch screen
Minsan pag aaral ay hindi na nabibigyang pansin
Sapagkat laro sa makabagong teknolohiya
Ay nais tapusin
Sa udyok ng mga balitang hindi nakakaigaya
Musmusing isipan ay madami ng nakikita
Mga bagay na sadyang hindi nararapat
Bumabalot ng tanong at impormasyong
Hindi karapat dapat
Imahinasyon na dapat nagmula sa kanila
Hindi na naipapamalas sapagkat lahat
Ay nakalapat na
Sa teknolohiya lahat ay kanilang nakikita
Hindi na iniisip na ang isipan ay lalong buksan pa
Nasaan na ang buhay na kinagisnan
Na sadyang nagbago ng kalaunan
Disiplina ng mumunting isipan
Nawa’y patuloy na pagyamanin at gabayan