(Tula para kay Lyca Gairanod ng The Voice kids Grand Champion)
Isang musmos na noon ay nangangalakal
Hindi alintala ang sikat ng araw
Sa araw araw na daratal
Siya’y hinubog sa pamumuhay
Na sipag at tyaga
Hindi inasahan kung ano sa kanyang buhay ay darating pa
Sinimulan nyang umawit sa lansangan
Dala ang bitbit na sako
Na kanyang paglalagyan
Mga tao ay nahalina sa kanyang
Tinig
Sambit ng mga ito’y isang kanta pa
Ng simulan na syang madinig
Sa hangad ng Panginoon siya
Ay nahandugan
Ng pagkakataong mapasali sa
Isang patimpalak sa ating inang bayan
The Voice Kids kung ito ay pinamagatan
At doon umapaw ang papuri sa anghel na nagbigay sa mundo ng
Kahulugan
Kahulugang hindi natutulog ang Diyos
Kahulugang may pag asa pa kaya sa pananampalataya ay yumapos
Na patuloy lang ang buhay sa pag agos
Pasasaan pa’t malalampasan anumang unos