Ito pa po muli ang isa pang tula na isinulat ko para kay lyca
Labis kong ikinasasaya na ang aking paham ay mabasa
Tula na nagmula sa inspirasyon dala
ng isang bata
Kung pangangalanan natin ay lyca
Sa kanyang pag usbong sa mundong ibabaw
Dala man sa araw araw kalangitang mapanglaw
Pananalig nya sa Maykapal sadyang nangingibabaw
Dumaan ang mga pagsubok ngiti parin sa kanya’y matatanaw
Bakas sa kanya ang kahirapan
Dala ang plastik at bote na sako ang sisidlan
Mahirap man simula ng kapanganakan
Ngunit nangarap ng may puso at buong tapang
Katawang kayliit boses naman ay kay tindig
Pumupukaw sa mamamayang sa kanya’y patuloy na nakikinig
Pasasaan pa’t sya’y kasamang liliparin ng kanyang himig
Matayog ang paglipad maging sa buong daigdig