Minsan kung sino pa yung mga taong palaging masaya
Ay sila pa yung may lungkot sa puso
At kailangan ng pagkalinga
Mga taong nakapagbibigay ng payo sa iba
Ngunit sila namang may pinagdadaanan at pilit na kinakaya
Mga taong palaging may ngiti sa mga labi
Ngunit puso naman kalungkutan ang namumutawi
Pasasayahin na lamang muna ang iba
Pag uwi ay iiyak na lamang na tanging unan ang kasama
Sila yung mga taong pilit na iniintindi ang iba
Hindi magawang dumaing sapagka’t ayaw maging pabigat hanggang kaya
Sila yung taong hindi mo akalaing
Nalulungkot katulad mo
At kailangan din ng puspos na pagkalinga mula sa iyong puso
-mypenandsoul