“Pinagbuklod ng Diyos sa pagmamahalang wagas” ni Eureka C.Bianzon

Hindi man kami nagkakausap sa aking sariling wika
Hindi man mag katulad ang oras
sa aming magkabilang mundo
Napatunayan ko sa pag ibig
walang pagkakaiba
Kapag pinagbuklod ng Diyos sa pagmamahalang wagas at totoo

Noon hindi ako makapaniwala
Pakiramdam ko imposible na kami ay magkatagpo
Ngunit kapag niloob pala ng nasa Itaas ang gantimpala
Mas higit pa pala ito sa inaaasahan mo

Magkalayo man kami pakiramdam ko nariyan lang siya
Hinding hindi nagbabago bagkus pagmamahal ay tumitibay pa
Wala akong masabi kundi pasasalamat sa lahat
Biyaya mula sa Itaas para sa pagmamahal na ibinigay sa akin ng tapat
-mypenandsoul

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s