Sa pagninilay nilay sa higaang aking kinasasadlakan
Luha’y pumapatak sa hindi maipaliwanag na kadahilanan
Mga ala ala ay ginugunita mula sa taong naging malapit sa ‘king isipan
Noong ako ay musmos siya ay aking itinuring na ama amahan
Sa paglipas ng panahon siya ay hindi ko na nasilayan
Hanggang sa dumating ang balitang siya’y tuluyan ng namaalam
Kaytindi ng lungkot ang namumutawi sa aking puso’t isipan
Hindi ko man lang nasabi sa kanya
ang salitang paalam
Siya’y naging malapit sa aking puso
Gaya ng matalik kong kaibigan na inaruga nito
Bagamat magkalayo alam ko iisa lang ang laman ng kanilang puso
Iyon ay pagmamahal ng anak at ama na tanging nakagisnan ko
‘Tang ang tulang ito ay aking pamamaalam
Maraming salamat at ako ay itinuring mo na isang anak at kaibigan
Pangako ko ang iyong anak ay aking hindi pababayaan
Matatanaw ninyo mula sa langit
ang aming pagiging mabuting pagkakaibigan
ito ay tula na aking isinulat para sa ama ng ng aking matalik na kaibigan sa loob ng mahigit 15 taon….siya ay pumanaw kailan lang dahilan ng kanyang karamdaman…alam ko na hindi madali para sa king kaibigan na mawalan ng magulang…Ngunit alam ko na sa piling ng Panginoon siya ay magiging masaya naman tanaw kami ng aking kaibigan na nagdadamayan…
Itang maraming salamat nasaan ka man ngayon…gusto ko magpasalamat sa kabutihan na ipinakita mo….salamat po
-mypenandsoul