Minsan masaya padin lumingon
kung saan ka nagmula
Sinusunod ang bawat landas
na tinatahak ng iyong mga paa
Sinisimulang isipin bawat simpleng
bagay na sayo ay nakapagpasaya
Upang malimutan ang mga suliraning
akala mo ay hindi mo na kaya
Sa pagbabalik sa simpleng buhay
minsan ang nakapagbibigay ng
kaligayahan
Tahimik na paligid, kasama ng pamilyang
nakagisnan
Kasama ng tanawin na nakahahalinang pagmasdan
Huni ng mga ibon sa pandinig ay kaysarap
pakinggan
Sa mga susunod na panahon tatahakin ko muli ang lugar na ito
Kasama ang pangarap na makasama muli
ang mga minamahal ko
Lugar na kung saan mapagmamasdan ko muli ang katahimikan sa mundo
Langit na makapagsasabi na walang imposible na abutin ang mga bagay
na ninanais ng puso mo
-mypenandsoul
Oct.22’14