Labis na kasiyahan sa puso ko’y aking nadarama
Nang mabigyan ako ng pagkakataon na mayakap kita
Bawat ala ala mo aking ginugunita
Noong ako’y musmos pa na kasama kita
Kaybilis ng panahon hindi mo na ako maalala
Kahit sa palayaw na iyong ibinigay sa akin noong ako ay bata pa
Ngunit kahit ganoon lola mahal na mahal kita
Walang humpay na kasiyahan ang makasama ka
Sa aking pamamaalam tanaw ang iyong mukha
Dama ko ang kalungkutan ng tanong na kailan muli kita makikita
Kung may mahaba pang pagkakataon nais ko iyong madama
Na ikaw ay mahalaga sa akin “Mama Ulang” Mahal na mahal kita
so sweet! ๐
thank you Doctor Eamer..thanks for following my poetry blog
Astig yung Kababayan newspaper! And your published work Ms. Eureka! ๐ Keep it up po ๐