Noon ang akala ko kapag sinabing middle east disyerto agad
Ni kailan man napakagandang tanawin hindi ko naihangad
Ngunit ng pagkalipas ng ilang buwan simula ng ako’y dito napadpad
Magagandang tanawin ang sa’kin ang syang bumungad
Minsan ko din hiniling sa itaas na gabayan ako habang tinatahak ang lugar na ito
Sapagka’t ako’y salat sa wikang kaalaman na sinasambit dito
Nang kalaunan aking nabihasa ang bawat salita kahit pa minsan ako’y nalilito
Ngayon ako ay eksperto na sa pagbilang gamit ang kanilang salita simula isa hanggang libo libo
Kahit saan pala mapadpad ang bawat tao
Hinding hindi bibiguin ng Maykapal kung ang pananampalataya ang kaakibat nito
Mga salita,kilos man ay napakahirap intindihin sa bawat tao
Kayang kayang pakisamahan kung isasa isip at isasapuso
Sambit ko noon sa aking sarili hanggang kailan kaya ako sa lugar na ito
Nang kalaunan parang gusto ko na muna manatili dito
Bawat ala ala syang aking ginugunita
Lalo na ang mga masasayang sandali na ang aking mga alaga at malapit na kaibigan ay kasama