“Intindihin mo lamang sila”ni Eureka C.Bianzon

Para sa mga nasasaktan kung bakit hindi sila matanggap ng sinuman
At gagawa ng paraan upang sila’y mapagtuunan

Isipin lamang
Ang sarili ay hindi dapat sa kapwa ipagpasikatan
Kundi sa Maykapal na sa ating pagkatao’y tanging nakaka alam

Huwag pansinin ang mga mapanghusga
Gayundin ang mga taong walang bukang bibig kundi manglait ng kapwa

Bawat isa mayaman man o mahirap
Pantay sa paningin ng lumikha
Kung ika’y hindi tinitigilang hamakin
Intindihin  mo lamang  sila
Unawain na sila’y nagkulang sa
pakikinig ng pangaral at tamang disiplina
-mypenandsoul