Nakahimlay na higaan
Umuukit ng mga titik para sa tulang pupunan
Aking damdamin nauudyok na naman
Na ilapat ang nais ibahagi ng aking puso’t isipan
Lumalalim na ang gabi, tulog na ang aking ama
Dala ng pagod siya ay nakaidlip ng bigla
Habang aking pinagmamasdan bawat linya sa noo nya
Aking nababatid na siya ay tumatanda na pala
Ala ala noong ako’y musmos palang
Ako’y hinubog nya sa bawat gawain sa murang gulang
Maglaba,mamalantsa,magluto
Magtupi gayundin ang manahi ng kasuotan
Aking natanong “pa kahit pala lalaki kayang gawin ang mga bagay na yan
Tugon nya nararapat lamang mga gawaing pambabae hindi dapat ikahiya at ikailang
Lumaki ako ng nakikita sya sa harap ng palanggana
Kinukusot ang aking uniporme habang ako ay nangingiti
Sa kanya
Ganito pala magmahal ang isang ama
Lahat ginagawa hindi lang ako mahapo sa paglalaba
Minsan naisip ko, hindi pa sapat ang aking nagawa
Sa mga panahong iyon na akin ngayong ginugunita
Sobrang palad ko sa lahat ng ama
Siya ang ibinigay sa’kin ng Lumikha
Ngayong nababatid ko siya ay tumatanda na pala
Patuloy padin ang pagpadama ng pagmamahal kahit ngayong ako’y malaki na
Kung mabibigyan lamang ako ng pagkakataon nais kong
ipadama
Na hanggang sa kaniyang pagtanda
Sa piling niya ako’y hindi mawawala….
-mypenandsoul
http://www.mypenandsoul.wordpress.com
For permission to reproduce, please write personally to the author…