Buhay ay ibinuwis sa pagmamahal sa inang bayan
Sa pagnanais na matamasa ang kapayaan
Sa isang ingkwentro sila’y hindi handang makipaglaban
Kanilang mga katawan ay nakahandusay at duguan
Na tila may anino ng walang kalaban laban
Sa kamay ng tulisan dignidad nila ay nadungisan
Animo’y mga hayop kung patayin ay walang habag na masisilayan
Mga bayaning nakipaglaban na walang bahid ng pag aalinlangan
Nawa’y ating pamahalaan ay gayundin ang gawin
upang hustisya at katotohanan ay kanilang makamtan
Labis na ikinalulungkot ng aking luhaang puso
Masilayan ang kanilang mga karumal dumal na litrato
Aking mga kapatid na nasa parehong serbisyo
Ay labis kong ipinagdasal na hindi mapasama sa ganitong
klaseng ingkwentro
SAF 44 kayo ay bayani at hindi kailan man malilimutan
Nawa’y dumating ang araw na ang hustisya at katotohanan ay inyong
makamtan
Aking panalangin ay aking iniiaalay sa inyo ng lubusan
Para sa inyong tunay na bayani na aming hinirang
#Mypenandsoul
#saf44 #SPECIALACTIONFORCES #fallen44 #PNP #PhilippineNationalPolice #tagapagligtas #Nationaldayofmourning #PRAYER #PEACE for your #Souls