Sa piling niya lungkot ko’y napapawi gayundin nabibigyang sigla ang aking mga mata
Sa bawat araw na sya’y kasama tila may mahikang nangingibabaw sa aking mga nakikita
Labis ko na nga siguro syang naaalala,labis ko na nga sigurong sabihin sa kanyang mula
sa malayo ay mahal na mahal ko sya
Kaytagal na ng panahong hindi namin nasilayan ang bawat isa
Ako padin ay umaasa,at hanggang ngayon ay umaasa pa
Nadarama ka niya ako ngayon o tuluyang nalimutan na
Binitiwang pangako,naglaho na lamang bigla
Marahil ito na nga ang sagot sa aking matagal na kahilingan
Na sya’y tuluyan na lamang lumayo at hindi na magparamdam
Ngunit bakit ganon,bawat ala ala ko’y namumutawi sa kanyang bawat ala ala
Ibig sabihin ba nito sa puso ko may naiiwang pagmamahal pa?
-requested poem from a follower