Halina`t ating pagsaluhan hapunang inihanda ni ina Sa mesang ating kinauupuan tila ba ito ay napakasarap na handa Huwag mo ng pag isipan sabihin ang salitang salamat sa kanya Sapagka`t ito`y nais niyang madinig lalo sa iyo nagmula Pansin mo ba tila pagod na pagod siya Hindi lang siguro pagluto ng hapunan ang ginawa niya … Continue reading “Salamat Ina” ni Eureka Bianzon Robey
Day: July 8, 2015
“Aking ama ikaw sa akin ay tunay na biyaya” Labis na kasiyahan ang aking nadarama Sa bawat araw na daratal at ikaw ang siyang makikita Pinipigilang pilit mga mata sa pagluha Sa tuwing sasambiting mahal na mahal kita aking ama Nais kong iyong maramdaman kahit sa simpleng tula sa aking paham Mga bagay na aking nais sambitin mula sa aking kalooban Aking ama sa akin ikaw ay tunay na biyaya ng ating Lumikha Nang dahil sa`yo ako ay sadyang pinagpala Ngayon sa iyong kaarawan nais kong malaman mo Na ikaw ang aking kasiyahan at tunay na bumubuo ng buhay ko Aking ama kahit na nasa ibang lupalop ng mundo ka man ngayon Aking palaging susundin iyong mga paalala sa bawat kahapon Labis na kasiyahan aking nadarama Sa tuwing ikaw ay aking nakakausap gamit ang teknolohiya Nasaan ka man ngayon o kahit malayo ka Sa aking isipan hinding hindi ka nawawala Mahal na mahal kita o aking ama Ikaw nawa`y palaging patnubayan ng amang Lumikha Darating ang panahon sa iyong susunod na kaarawan Atin ito muling pagsasaluhan kasama ng bawat masasayang ala alang nagdaan ni Eureka Bianzon Robey
"Aking ama ikaw sa akin ay tunay na biyaya" Labis na kasiyahan ang aking nadarama Sa bawat araw na daratal at ikaw ang siyang makikita Pinipigilang pilit mga mata sa pagluha Sa tuwing sasambiting mahal na mahal kita aking ama Nais kong iyong maramdaman kahit sa simpleng tula sa aking paham Mga bagay na aking … Continue reading “Aking ama ikaw sa akin ay tunay na biyaya” Labis na kasiyahan ang aking nadarama Sa bawat araw na daratal at ikaw ang siyang makikita Pinipigilang pilit mga mata sa pagluha Sa tuwing sasambiting mahal na mahal kita aking ama Nais kong iyong maramdaman kahit sa simpleng tula sa aking paham Mga bagay na aking nais sambitin mula sa aking kalooban Aking ama sa akin ikaw ay tunay na biyaya ng ating Lumikha Nang dahil sa`yo ako ay sadyang pinagpala Ngayon sa iyong kaarawan nais kong malaman mo Na ikaw ang aking kasiyahan at tunay na bumubuo ng buhay ko Aking ama kahit na nasa ibang lupalop ng mundo ka man ngayon Aking palaging susundin iyong mga paalala sa bawat kahapon Labis na kasiyahan aking nadarama Sa tuwing ikaw ay aking nakakausap gamit ang teknolohiya Nasaan ka man ngayon o kahit malayo ka Sa aking isipan hinding hindi ka nawawala Mahal na mahal kita o aking ama Ikaw nawa`y palaging patnubayan ng amang Lumikha Darating ang panahon sa iyong susunod na kaarawan Atin ito muling pagsasaluhan kasama ng bawat masasayang ala alang nagdaan ni Eureka Bianzon Robey