“Salamat Ina” ni Eureka Bianzon Robey

Halina`t ating pagsaluhan hapunang inihanda ni ina
Sa mesang ating kinauupuan tila ba ito ay napakasarap na handa
Huwag mo ng pag isipan sabihin ang salitang salamat sa kanya
Sapagka`t ito`y nais niyang madinig lalo sa iyo nagmula

Pansin mo ba tila pagod na pagod siya
Hindi lang siguro pagluto ng hapunan ang ginawa niya kanina
Hindi niya ito binabanggit sapagkat ito`y balewala sa kanya
Ang mahalaga tungkulin niya`y kanyang ginampanan bilang butihing ina

Dali na sabihin mo na sa kaniya ang salitang salamat
Isang salitang makahulugan at para sa kanya`y karapat dapat
“Salamat ina” salitang kaylimit na bitawan
Nguni`t sa puso ng isang inang mapagmahal ito ay kagalakan
-mypenandsoul

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s