Palagi kong pinagmamasdan ang mga bituin sa langit
Iniisip ang aking mga magulang sa kabilang dako nitong daigdig
Kanilang mga ala ala aking palaging naiisip
Kung maaari lang kanilang tinig ay aking marinig
Bawat mumunting ala ala sadyang batid ay lubos na saya
Maisip ang kanilang sa aki`y pag aruga simula pagkabata
Bawat araw sadyang may hatid na pangungulila
Kung maaari lang hilahin bawat araw upang sila ay masilayan na
Bawat panahong hindi sila kasama
Lalo kong nararamdaman kung gaano sila kahalaga
Malayo man ang aking narating pakiramdam ko ay hindi sapat
Sila padin ang sadyang bumubuo ng aking buhay kasiyahang sadyang walang katapat
mypenandsoul