Tayo’y may mabuting pinagsamahan
Walang nakakahahadlang kahit sinuman
Bawat araw punong puno ng kasiyahan
Walang humpay na biruan at tawanan
Bawat bagay binibigyang halaga
Kahit na larawang iginuhit ng lapis ay sapat na
Walang hinangad kundi mapasaya ang bawat isa
Gayundin ang damayan kung bawat puso ay nagdurusa
Samahang pinagtibay ng mga mumunting ala ala
Kahit ngayon ay magkalayo ,nararamdamang tayo’y malapit parin sa isa’t isa
Pagkakaibigang walang iwanan
Magbago man ang mundo ang bawat isa sa atin ay palaging nariyan
-mypenandsoul
One thought on “Pagkakaibigang walang iwanan ni Eureka Bianzon Robey”