Ngayo’y malayo sa piling ng aking mga magulang
Pinipilit sarili’y pasayahin upang pangungulila ay mabigyang patlang
Batid ko bawat araw na sila ay wala sadyang may kulang
Ngunit may mga panahong ako’y walang magawa sa tuwing sila ay nais masilayan
Ipinaglayo man ng tadhana, nawa’y dalhin ng hangin ang aking yakap para sa kanila
At madama naman mula sa patak ng ulan ang sa kanila’y aking pangungulila
Dalangin ko sa pagdating ng panahon sila muli ay makasama
Ng mapunan ng saya ang aking pusong sa kanila’y lubos na nangungulila
Mypenandsoul