Sa pag apak ko sa bansang aking kinagisnan
Saya ng aking puso ay sadyang hindi matawaran
Narating ko man at ibat ibang panig ng mundo
Nagtrabo man o tumira ng permanente sa ilan dito
Ang Bansang Pilipinas na aking kinagisnan ay mananatili sa puso ko
Dito ko sinimulan ang bawat hamon ng aking buhay
Dito ko kinilala ang pagmamahal,disiplina,pag aaruga ng tunay
Mula sa aking pamilya,mga kaibigan mga taong sa aking kwento ay nagbigay saysay
Dumating man ang bawat panahon sila pa din ang nakakaramay
Bansang Pilipinas na aking kinagisnan
Bansang hinding hindi ko malilimutan
Kahit noon, kahit ngayon,bukas magpakailanpaman
Ito pa din ang bansang aking naiisip sa tuwing ako ay mag iibang bayan
Walang makapapantay na lubos na ligaya
Sa Bansang Pilipinas na aking kinaginisnan
Sa tuwing aking iisipin na ako dito ay isinilang
Aking pasasalamat sa Panginoon
na aking buhay ay dito ko sinimulan
(c) mypenandsoul