Buhay sa ibang bansa

Nakaupo sa loob ng silid
Tinatanaw ang bintanang abot tanaw ang langit
Mga mata tila bang nangingilid
Sa bawat luhang pumapatak ramdam ang bawat sakit

Kinikimkim sapagkat pilit na kinakaya
Bawat kalungkutan upang ang mahal sa buhay ay mapasaya
Tinitiis bawat hirap at pagdurusa
Ng pusong nalulumbay at nagdarasal ang pamilya ay makita na

Buhay sa ibang bansa ay may pakahulugan
Kausapin mo ang mga nandirito upang iyong malaman
Hindi lahat ng mga matang nakangiti ay may pusong masaya
Ang ilan sa kanila ay sadyang tinatanaw lamang ang bintana katambal ng pagdurusa
©mypenandsoul.com

(c) mypenandsoul author
Eureka Bianzon Robey

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s