Bawat araw na dumarating dumaragdag ang ating mga pasanin
Magmula pagkamusmos hanggang sa magkaisip
nag iiba ang daigdig
Nagiging sabik sa mga bagay, maging sa propesyong kukuhain
Magkakatitulo , aasenso’t magiging tanyag , dumarami ang tungkulin
Lunes hanggang biyernes abala sa mga pangkasalukuyang trabaho
Gayundin sa pagdating ng sabado sa pagpaplano kapag natapos ito
Paulit ulit na kagawian sa pang araw araw ating natatanto
Bawat araw, bawat bukas lumilipas ng hindi natin maihinto
Ngunit sa paglipas ng bawat bukas , tayo ay tatanda
Mararangyang kagamitan at kasuotan malilimot din sa ala ala
Hindi na papansinin kaanyuan maging postura
Ang nasa isip na lamang ay paano mapagtitipon tipon ang nabuong pamilya
Lilipas ang panahon bawat materyal na bagay ay hindi na mahalaga
Ang palagi na lamang ibinubuklat ay mga larawan sa nakalipas at halos kupas na
Pagmamasdan na lamang ang alon sa dagat na noon kahit languyin ay kayang kaya
Ngunit sa paglipas ng araw sa pagtanda pagmamasdan sa lamang ang ibon sa paglipad
Habang tinatanaw ang kalangitang naaabot pa ng mga mata
mypenandsoul.com