Sa katalinuhan at katapangan ikaw ay tanyag
Sa puso ninuman iyong katapatan ay namayagpag
Kalungkutan ang dulot ng huli mong hapag
Sa bawat Pilipino ay mananatili ang iyong sagisag
Simula pagkabata ikaw ang aming naging huwaran
Iyong katalinuhan ay sadyang hindi mapapantayan
Senator Madam Miriam ikaw ang presidente na minsa’y aming hinangad
Ika’y nag iisa, libutin man ang mundo ikaw ay walang katulad
Sa iyong pagpanaw dala sa amin ay lungkot at saya
Lungkot dahil wala na aming hinahangaan sa larangan ng hustisya
Saya naman dahil ikaw ay kapiling na ng Panginoon
At hinding hindi na mahihirapan pa
Paalam Senator Madam Miriam Defensor Santiago
Iyong alala ay mananatili sa mundong ito
Kung mababasa mo lang sana ang tulang ito
Nais kong sabihin sayo,salamat sa mga inspirasyong ibinigay mo…
mypenandsoul.com