Patawad sa aking mga nagawa
Kung ikaw man ay aking nasaktan
Nakaraang kamalian ay aking pinagsisisihan
Habang buhay ito’y sa dasal ay isinasama
Patawad kung bawat araw dulot ko’y pait
Sa iyong puso ako’y nagpapakumbabang pilit
Patawad sa bawat sakit na iyong sinapit
Dalangin ko’y ihatid ito sa iyo ng Amang nasa langit
Ako’y nagpakalayo upang lahat ay matahimik
Bagong buhay ay nais matamasa pagpapatawad sa Maykapal ang batid
Patawad kung ikaw ay aking nasaktan
Dalangin ko sa iyong puso ang walang humpay
na katahimikan
Patawad
mypenandsoul