Buhos ng ulan tila walang batid na pagtila
Gaya ng mga matang lumuluha buhat sa pangungulila
Makulimlim na kalangitan may batid na kalungkutan
Gaya ng pusong nalumlumbay pagkatapos masugatan
Tinatanaw bawat punong panay ang pagsalo sa bawat patak
Gaya ng tao na na walang kasiguraduhan sa kanilang pag apak
Walang nakakaalam sa bawat araw na mga mata natin ay mulat
Mga unos dumarating , nagbibigay luha sa mga matang problema ay hindi mabuhat
Ngunit , ulan ay tumitila pagsikat ng araw
Luha’y titigil din sa pagpatak kapalit ay masayang bagay na matatanaw
Liliwanag din ang kalangitan , bawat ibon muli ay mag aawitan
Gaya ng pusong humilom pagkatapos na masugatan
Tayo may mga puno na palaging sasalo bawat pagpatak
Maniwala lamang na may Diyos na sasalo sa ating bawat pag apak
Siya lamang ang nakaka alam sa lahat ng panahon sa bawat landas na ating tinatahak
Mga unos dumarating, maniwala lamang na may kaagapay tayo sa bawat pagpatak
Mypenandsoul.com
(c) mypenandsoul author
Eureka Bianzon Robey