Sa bawat patak ng luhang pinupunasan
Na dahilan kung bakit unan ay kailangang higdan
Mga ala ala mula pagkabata’y nilillinayan
Mga panahong parehong atensyon ay kaya pang punan
Pagkalipas ng mahabang panahon bawat isa ay nagkaroon ng ugnayan
Bawat isa’y masaya sa piling ng bawat isa kung titignan
May alitan may , maya maya’y nagkakaunawaan
Nagkatampuhan man ,maya’t maya bawat isa’y hinahagkan
Lumipas ang napakahabang panahon tila ba nakaramdam ng pagkukulang
Ang isa naman ay kampante na lamang sa mga kinagisnan
Ang isa ay nagdadalawang isip kung nararapat pa ba
Relasyon ay bigyan halaga o sadyang tama na muna.
Naghiwalay , tinahak ang kani kaniyang landas
Bawat isa’y hindi na naisipan pang hanapin sa darating na bukas
Ngunit panahon ang makapagsasabi kung bawat isa’y magkikitang muli
Dumating ang sandali ngunit panahon na nasayang hindi maibabalik
Tula na aking isinulat matapos mapanood ang Through Night and Day .