Noong ako ay musmos palang , ako’y walang hinanap madalas kundi ang aking ama’t ina
Sa tuwing ako’y may dinaramdam ang unang pumapasok sa aking isipan ay ang aking inang mapag aruga
Sa tuwing ako’y may kinatatakutan , ang tanging hanap naman ay likod ng aking ama
Sa bawat unos ng buhay tanging mga magulang ang nais makapiling at makasama
Sa paglipas ng panahon, ako’y napakalayo na
Ni mahagkan sa yakap ni isa sa kanila ay hindi magawa
Sa tuwing darating ang hapunan , naiisip paano kung sila ang nag handa ng hapag kainan
Lalong kaysaya lalo na’t kung sila’y makakasama sa bawat usapan
Walang makahihigit sa bawat ngiti sa bawat pag sulyap
Madinig ang boses ng mga magulang hindi lang sa pangarap
Ang mainit na yakap sa bawat luhang pumapatak
Ay katumbas ng kalunasan sa sakit ng pusong may nakatarak.
©️mypenandsoul