Maligayang Pagdating, Kaibigang EUREKA

August 2014 This poem was written for me by a Filipino Poetess Ms Divina Tagaza. And as my appreciation I would like to publish it here in my poetry blog. I would like to say thank you to her too for this . It was such an honor and I love how she mentioned the love of family here.

Maligayang Pagdating, Kaibigang EUREKA ….

Ako ay labis na natuwa, pakiramdam ay kasiya-siya
Dahil nalaman kong sa Pinas, ikaw ay dumating na
Pagkikita na puno ng kasabikan, parang aking nakikini-kinita
Na sasabayan pa ng mga halik at yakap ng iyong Ama at Ina ….

Walang patid na bidahan, kwentuhan at chikahan
One to sawa ang bonding , kahit labanan pa ang kaantukan
Mga mahal sa buhay, bigay todo ang ipinadaramang kasabikan
Aakalain mong higit sampung taon kayong di nagkakabalitaan….

Samantalahin mo ang pagkakataon na sila’y muling makapiling
Alam kong iyan ang isinisigaw ng puso mo na gustong gawin
Ang makita mo silang maligaya, ay kaligayahan mo na rin, akin nang nai-imagine
Biyayang walang katumbas, ang pamilyang buo at panay loving-loving….

Sa pagharap mo sa bagong kabanata ng iyong buhay sa piling ng bagong mamahalin
Hangad ko para sa inyo ay pagmamahalan, kapayapaan, kasiyahan, at perfect health na rin
At sa larangan ng pagsusulat ng tula ay mas lalo ka pa sanang pagtagumpayin
Gawing inspirasyon ang mga mahal sa buhay, para imahinasyon mo ay mas pagaganahin ….

Kaibigang Eureka, salamat at di ka naging maramot bagkus naging instrumento ka pa
Talento kamo natin ay di ibinibigay sa lahat, kaya ito ay bihira at di dapat ikahiya
Dahil nga sa iyo, tula ko’y nabigyan ng tyansang malathala din ng minsan makalawa
Doon sa Kabayan Weekly Magazine sa UAE, kaya’t puso ko’y walang pagsidlan ng tuwa….